필리핀 두테르테 대통령, 코로나19 확진자 안정되고 있다.

 

 로드리고 두테르테 대통령은 최근 COVID-19 양성 반응 확진자들이 점차 감소하고 있다고 10일 밝혔다.

대통령은 "필리핀이 COVID-19와의 싸움에서 승리하기 위해 모든 국민이 잘 협조해 준 것에 대해 기쁘게 생각한다"고 말했다.

MANILA, Philippines — Nananalo na ang bansa laban sa COVID-19, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang ulat sa bayan kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na bumababa na ang datos ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
“I am pleased to address the nation anew to keep everyone informed of how the Philippines is moving towards winning the fight against COVID-19,” anang Pangulo.
Napa-flatten na aniya ang tinatawag na “curve” o datos at wala ng naitatalang “significant contamination.”
Nangangahulugan aniya na tama ang mga ginagawa ng gobyerno para mapangalagaan ang interes at kalusugan ng publiko.
Sinabi ng Pangulo na malaking tulong ang mga preventive measures na ipinatupad ng gobyerno katulad  ng community quarantine dahil nabawasan ang mga tao sa labas at nabawasan din ang mga nahahawa.
Binanggit din ng Pangulo na nakatulong ang ginawang pagsunod ng mga mamamayan at kontribusyon ng mga local government units (LGUs).
Pero binanggit din ng Pangulo na sa kabila ng mga positibong pangyayari, dapat pa ring maging vigilante ang lahat at huwag maging kampante upang hindi masayang ang mga naging sakripisyo.
Ipinaalala rin ng Pangulo na hindi pa nawawala ang virus at bumaba lamang ang kaso dahil sa ginagawang pag-iingat at pagsunod ng mga mamamayan sa minimum health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at paggamit ng alcohol.

( kinopya mula sa : Pilipino Star Ngayon  Malou Escudero - September 9, 2020 - 12:00am )

 

*이 정보는 한국뉴스와 협약을 맺은 외국인센터 객원기자에 의해 정리되었습니다. 

저작권자 © 한국뉴스 무단전재 및 재배포 금지