두테르테 필리핀 대통령, 건강에 문제 없다 발표!

필리민  대변인은 27일 두테르테 대통령이 건간상에 문제없다고 27일 밝혔다.

대변인은 최근 자국민들이 대통령이 건강상 문제가 있다는 논란에 대한 해명으로, 대통령이 건강상에 문제가 있는 경우 변호사를 통해 국민들에게  알려야한다는 헌법 조항에 대한 조치다.

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na walang itinatagong seryosong sakit si Pangulong Rodrigo Duterte at kung meron ay ipapaalam nila ito sa publiko.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kapwa sila abogado ng Pangulo at alam nila ang probisyon sa Konstitusyon na kailangang ipaalam sa publiko kung may seryosong sakit ito sa pamamagitan nang pagbibigay ng medical bulletin.
Sinabi pa ni Roque na sa kabila ng edad ni Duterte, maayos ang lagay nito at “sorry” na lang aniya sa mga gustong magkasakit ang Pangulo dahil biniyayaan siya ng Diyos ng mabuting kalusugan.
Nilinaw din ni Roque na ang binanggit ng Pangulo na payo ng kanyang doktor na tigilan na ang pag-inom upang hindi maging cancer ang kanyang Barrett’s esophagus ay nangyari noong wala pa siya sa Malacañang.
Matagal na rin aniyang tumigil sa pag-inom ang Pangulo upang hindi mauwi sa cancer ang sakit nito.
Ipinunto rin ni Roque na kung nagkaroon ng cancer ang Pangulo kahit pa stage 1 ito ay mangangailangan ng treatment at makikita ang epekto sa kanyang hitsura.
Idinagdag din ni Roque na ipapaalam sa publiko ang medical condition ng Pangulo sakali man na magkaroon ito ng seryosong sakit.

(kinopya mula sa : Pilipino Star Ngayon ni  Malou Escudero August 27, 2020 - 12:00am)

 

*이 정보는 한국뉴스와 협약을 맺은 외국인센터 객원기자에 의해 정리되었습니다. 

저작권자 © 한국뉴스 무단전재 및 재배포 금지