필리핀 술로에서 자살폭탄테러 발생...14명 사망·76명 부상

 

24일(현지시간)필리핀 남부의 인구 밀집 지역에서 일어난 두 차례의 자살 폭탄 테러로 최소 14명이 사망하고 76명이 부상을 입은 것으로 알려졌다.

26일 필리핀 당국에 따르면 술루주 홀로섬 내 극단주의 단체인 아부사야프 거점에서 두 차례의 폭탄테러가 발생했다고 밝혔다.

아부사야프는 필리핀 남부 지역을 중심으로 활동하는 반군 세력이다.

MANILA, Philippines ? Nasa 15 katao ang nasawi kabilang ang pitong sundalo, anim na sibilyan at suicide bomber habang nasa 76 ang sugatan makaraang gulantangin ng kambal na pagsabog ang Barangay Walled City sa bahagi ng Plaza Rizal sa Jolo, Sulu kahapon.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command spokesman Capt. Rex Payot, nangyari ang pagsabog sa Terante St, Barangay Walled City sa Plaza Rizal bandang 11:40 ng tanghali.
Isang nakaparadang motorsiklo malapit sa M35 vehicle ng 21st Battalion na nasa harap ng Paradise Food Store ang sumabog na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng ilang indibidwal.
Sinabi ni AFP-Wesmincom chief Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr.,isang improvised explosive device (IED) ang itinanim sa motorsiklo.
Ikinasawi agad ito ng pitong sundalo habang marami ang sugatan.
Makalipas lang ang mahigit isang oras, naganap ang pangalawang pagsabog sa harap ng DBP Bank, 100 metro lang ang layo sa unang pagsabog habang kinokordonan na ng pulisya ang blast site.
Ang ikalawang pagsabog na gawa umano ng isang suicide bomber ay hindi kalayuan sa Mt. Carmel Cathedral na pinasabog din noong isang taon.
Hindi pa batid ang nationality ng suicide bomber. “Hindi pa alam kung Indonesian ‘yun, basta female,” sabi ni Vinluan.
Habang isinusulat ito, nasa 48 silbilyan, 9 pulis at 19 sundalo ang sugatan.
Patuloy na isinasagawa ang rescue operations maging ang imbestigasyon sa kambal na pagsabog.
Samantala, pinaiimbestigahan na rin ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa kay Bangsamoro chief Police Brig. Gen. Manuel Abu ang naganap na pagsabog.
Pina-secure na rin ang lugar para mahuli ang mga responsable sa pagsabog.
Inaalam na rin kung may kinalaman ito sa pagkakaaresto sa lider ng Abu Sayyaf Group na si Anduljihad “Idang” Susukan kamakailan. 

( kinopya mula sa : Pilipino Star Ngayon  ni  Doris Franche - August 25, 2020 - 12:00am )

 

*이 정보는 한국뉴스와 협약을 맺은 외국인센터 객원기자에 의해 정리되었습니다. 

저작권자 © 한국뉴스 무단전재 및 재배포 금지