필리핀, 사회복지부 직원 150명 코로나19 양성 판정

 

 COVID-19에 양성 반응을 보인 직원은 사회 개선 프로그램을 제공하는 직원과 위기 상황에서 도움을 요청하는 고객을 지원하고, 도움을 주는 직원이 다수 포함 

Aabot na sa 150 kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang positibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ito ang ibinunyag ng DSWD, karamihan sa mga positibong kaso ay mula sa ilang field office at central office ng ahensya.
“Nakalulungkot nga po at marami na rin tayong mga kawani na naapektuhan ng COVID-19. Bagamat patuloy pa rin ang isinasagawa nating pagbigay ng ayuda, gayundin po ang ibang serbisyo at programa ng DSWD,” pahayag ni DSWD director at spokesperson Irene Dumlao.
Gayunman, sa nasabing bilang, nasa 57 na naman ang nakarekober habang patuloy na nagpapagaling ang iba pa.
“‘Yung mga kawani natin na nag-test positive sa COVID-19 ay kinabibilangan ng nagpapahatid ng social amelioration program, gayundin po ‘yung mga kawani nating tumutulong sa pag-assess sa mga kliyente na humihingi ng assistance sa crisis situation, at humahaligi sa pagtugon ng pangangailangan ng locally stranded individuals,” ayon kay Dumlao.

( kinopya  mula sa  :  Balita  ni  Beth Camia  August 16, 2020 )

 

*이 정보는 한국뉴스와 협약을 맺은 외국인센터 객원기자에 의해 정리되었습니다. 

저작권자 © 한국뉴스 무단전재 및 재배포 금지