필리핀 피부 전문가, 코로나19 증상으로 손가락·발가락 염증 나타나!

 

필리핀 피부전문가에 따르면 코로나19 증상에 대한 연구에서 발열, 인후통, 후각 및 미각 등의 일반적인 증상 외에도 손가락·발가락에 염증이 발생되는 감염 징후가 발생한 것으로 의심된다고 20일 밝혔다.

Ayon sa pagaaral, bukod sa mga karaniwang sintomas tulad ng lagnat, pamamaga ng lalamunan, pagkawala ng amoy at panlasa  at iba pa, ay may ilang mga eksperto ang nagsisimula ng maghinala na ang “Covid toes ” ay maaaring isa pang tanda ng pagkakaroon ng impeksyon na coronavirus.

Paunang sintomas

Nailathala sa isang article ng the New York Times, na  sa obserbasyon ng isang dermatologist sa San Francisco na si Dr. Lindy Fox, bago pa  man magsimula ang  COVID-19 out break ay dati na niyang nakikita na may apat o limang pasyente na mga bata ang mayroong masakit, namumula at namamagang mga dailiri sa paa na nakukuha sa malamig na hangin o sa taglamig.

Ngunit sa pag kalipas ng mga  linggo, ay dumami ang may sintomas nito ayon sa kaniya. “All of a sudden, we are inundated with toes,” saad ni Dr. Fox. Bigla nalamang dumagsa ang mga pasyente na may mga Toe lesions o namamagang mga daliri sa paa. “I’ve got clinics filled with people coming in with new toe lesions. And it’s not people who had chilblains before  they’ve never had anything like this.” Dagdag pa niya.

Pangalawang patunay

Hindi lamang si Dr. fox ang nakapansin nito kundi pati narin si Dr. Esther Freeman, isang direktor ng global health dermatology sa Massachusetts General Hospital. Sinabi nitong dumami rin ang kaso ng mga pasyente sa kaniyang klinika. 
Kaya naman ayon sa kaniya, ay kinailangan niyang magdagdag pa ng sesyon para sa mga pasyente. “completely full of toes. I had to add extra clinical sessions, just to take care of toe consults. People are very concerned,” Ayon sa NYT.

Kasama sa mga sintomas

Sa bansang China naman kung saan unang ang naging sentro ng COVID-19 outbreak, isang tweet mula sa People’s Daily ang nagsasabi na ang mga researcher ay naniniwala na ang pagkakarron ng mga pamamaga ng daliri sa kamay o paa man ay dapat na gawing isang pangunahing dahilan sa patingin ng sintomas ng Corona virus.
Ayon sa mga researcher umaasa sila na ang pagaaral na ito ay makakatulong sa mga doktor na maintindihan ang pagkakaugnay ng virus sa sakit sa balat na ito. Nais nila na sa pamamagitan ng pagtingin sa sintomas na ito, ay makatulong upang maagang matukoy ang sakit na Corona virus, ulat mula sa Journal of the American Academy of Dermatology.
( kinopya mula sa : PINAS BALITA By Ella May on August 15, 2020 )
 

 

*이 정보는 한국뉴스와 협약을 맺은 외국인센터 객원기자에 의해 정리되었습니다. 

저작권자 © 한국뉴스 무단전재 및 재배포 금지